Monday, January 16, 2012

Pu+@#&!#@, gusto ko mag FINE ARTS!!

3 comments

"Art is the desire of a man to express himself,
to record the reactions of his
personality to the world he lives in."
Amy Lowell


Pwede bang magmura? Sige na. One time lang. Wala namang nakikinig sa'kin e. Walang nakikinig sa'kin. WALANG NAKIKINIG SA'KIN! Pa'no ba naman kase, sinabihan ko na kayo (mga minamahal kong magulang) dati pa na gusto ko mag fine arts. O? Nasa'n ako ngayon? Nandito. Sa isang course na hindi ko naman forte (sa mga hindi po nakakaalam ako po ay nasa ikatlong taon na sa kursong BS Geology). Pero hindi ko sinasabi na ayoko sa course ko ngayon. Ang sinasabi ko lang naman na mas ikakatutuwa ko pang humawak ng lapis na 6B kaysa sa sample pick.

Pero wag muna natin husgahan ang geology. Hayaan muna nating alamin kung ano nga ba ito.

E, ano nga ba ang GEOLOGY?!

Ang geology, o heolohiya, ay ang agham at pag-aaral ng mundo, at ang komposisyon, istruktura, pisikal na katangian, kasaysayan, at ng mga prosesong humuhubog nito. Meron rin itong iba't ibang sangay. Kabilang na rito ang Physical Geology, Historical Geology, Mineralogy, Petrology, Geomorphology, Structural Geology, Environmental Geology, Paleontology, Geophysics, Geochemistry. Ano? Dumudugo na ilong mo? Eto pa. Applied Engineering Geology, Stratigraphy, Economics Geology, Optical Mineralogy, Sedimentation, Volcanology, Seismology, Mining Laws and Ethics, Mining Geology, Geotechnology, at pu+@#&!#@ng marami pang iba!

Ngayon punta naman tayo sa pangarap ko na kurso, ang fine arts.

Ano ba ang FINE ARTS?!

Ang fine arts, o pinong sining, ay isang pagpapadama sa pamamagitan ng pagpapaganda o upang maging kaakit-akit o kahali-halina ng isang bagay sa mga emosyon o damdamin sa pamamagitan ng mga paraang mapagmamasdan o biswal: katulad ng pagguhit, papipinta, pagbabakat at pagtatatak ng disenyo, at paglililok.

Ngayon, ano nga bang gusto kong ipabatid sa inyo? Ano nga bang dahilan ng pag-iinarte kong 'to? Simple lang. Gusto ko mag-fine arts. Oo, malaki ang sweldo kapag Geologist ka may lisensya man o wala. Kayang kaya kong buhayin ang magiging mga anak ko, pati na rin ang mga magiging anak ng magiging apo ko kapag yun ang natapos ko. Naiintindihan ko ang mga magulang ko. Gusto lang naman nila na magkaroon ako ng maayos na buhay pagtanda. Gusto rin nilang makaahon sa sakdal na kahirapan, naks! Pero.. anong magagawa ko? E sa gusto ko yung fine arts e. Tsaka bunsong anak naman ako. Kung grumadweyt man ako, wala na naman akong pag-aaralin na kapatid.

Para nyo na rin akong isinali sa kickboxing pero boxing lang ang kaya ko. Suntok lang ako ng suntok pero magagalit kayo kapag sumisipa yung kalaban (bumabagsak sa subjects).

Hay nako..
Wala rin namang mangyayari kung ipost ko pa 'to.

Sige,


Kakain muna ko ng bato. \m/

Friday, October 21, 2011

Isa

2 comments






Pag-ibig?

Pagmamahal?

Wagas na pag-iibigan?

Pagsinta? Pag-iirogan?





'Langya, ang corny ng intro ko. Di bale na. Sa bagay. Ngayon lang ako magpopost ng gan'to sa tanang buhay ko. Tutal inumpisahan ko nang corny, e paninindigan ko na.

Ika-dalawampu't apat ng Oktubre, taong 2010, nagsimula ang lahat. Ang kalbaryo, ay este, relasyon. Oo, inaamin ko na palikero ako. Pero sa araw ding 'yon nagbago ang lahat. Hindi na ko umiinom. Hindi na ko nagbubulakbol. Hindi na ko nakikipagtext sa iba, sya lang. In short, matinong lalake na ako. Marahil litung-lito ka na sa mga pinagsasabi ko. Siguro iniisip mo kong saan hahantong itong mga pacharchar ko. Hehe. Ang gusto ko lang naman sabihin e..









ISANG TAON NA KAMI NG SYOTA KO!! yey! :D







Wooh! Achievement! Di ko naman intensyon na ipangalandakan sa pamumukha mo na wala kang syota. Ang gusto ko lang ipabatid sayo na isang taon na kame. Kase nga isang taon na kame. Alam mu yon? Yuuung, isang taon na kame. Haha. Perstaym ko kase e. First time kong tumagal ng ganito sa isang relasyon. Kayo na! Kayo na nagdidiriwang ng isang taong anibersaryo. Hehe.




O ano? Corny 'no? Wala akong pake! Basta ISANG TAON NA KAME! Kaya para sa minamahal ko..







Maligayang ikaunang anibersaryo. Nawa'y magtagal pa ng sampung epoch, limang period, tatlong era, at dalawang eon ang pagmamahalan naten. I love you! ♥






Haayy nako. Ika nga sa kanta, "Kay saraaap ng may minamahaaal". Ewan ko lang ha, pero ako? 'Di na malamig ang pasko ko.






Ikaw?








Haha.. :))

Sunday, September 4, 2011

Mga Nalakbay Ko Na. Powtek!

1 comments


My Lakbayan grade is C-!

Mga nalakbay ko na. Powtek!

Dami ko pa palang kailangan lakbayin. Ajah!

Sunday, August 21, 2011

DotA

2 comments


DotA?

DotA ba gusto mo?

Ayan oh, DotA.

Iginuhit ko para sa'yo. Kahit na wala akong alam tungkol sa DotA.
Nawa'y iyong maibigan. :)

Tuesday, August 16, 2011

Dama

2 comments
the pieces are the phenomena of the
Universe, the rules of the game are
what we call the laws of Nature
and the player on the other
side is hidden from us
~Thomas Huxley

Sunday, July 10, 2011

Buto't Balat

4 comments
Ika nga nila, "Nobody wants to hug a skeleton".

Marahil alam nyo na kung tungkol saan 'tong post ko.

Ipinanganak akong mataba. Pero sa 'di inaasahang (at kailanma'y 'di ginustong) pangyayari, lumaki akong payat. Lumaki akong sentro ng asaran lalo na kapag tungkol sa katawan ang usapan. Maraming nakakakilala sa'kin hindi lang sa larangan ng pagdo-drawing, kundi pati na rin sa natatangi kong kaanyuan (halimaw?). 'Eto yung listahan ng mga bansag (asar) sa'kin:
1.Payatot
2.Bukog (Cebuano term ng buto)
3.Niwang (Cebuano term ng payat)
4.Wangkig ( " )
5.Incremin (gamot sa kapayatan)
6.Ayos na ang BUTO-BUTO
7.Payatitototi
8.Pidodido
at ang pamatay na paghahalintulad na hindi ko ma-take..
9.Stick

Ayos di ba? Parang sa bawat bansag nila, unti-unti kang binabalatan hanggang sa literal na buto ka na lang talaga. Parang sa bawat salita nila, unti-unti kang nangliliit, inaapakan hanggang sa mayupi ka na para bang coke-in-can na minamartilyo. Pero kahit payatot ako (wag ka...) may syota ako. Yey!

Oo, tama ang nabasa mo. Walang bahid ng biro. May syota ako. Isang araw, wala akong magawa. Naisipan kong syang itext. Tinanong ko sya:

Pol: Mahal mo ba ko?
Syota: Oo, sobra ..ewan ko nga kung bakit e, di naman ikaw dream boy ko. haha (pahabol nya)
Pol: Ano bang gusto mo sa lalake?
Syota: Yung hindi suplado. Tsaka malake katawan. haha
Pol: (Nadisappoint ng slight) E bakit mo ko syinota?
Syota: Di na man yung masyadong malake. Yung malake lang. haha aw
Pol: Haha. Ba't gusto mo ng malaki katawan?
Syota: Ewan. But I don't like muscled men either. G mo? Aw
Pol: Anong kaibahan ng payat sa malaki katawan? Anong meron sa malaki katawan na wala sa payatot na kagaya ko?
Syota: Haha. Hirap iexplain e. Di ko alam. Intindihin mo na lang.
Pol: Mas romantiko ba ang dating kapag malaki katawan?
Syota: I dunno, I think it doesn't depend on their bodies. It depends on the person. Pageant 'to?
Pol: Dapat ko bang baguhin ang sarili ko?
Syota: HINDEE! DUH
Pol: Nagsisisi ka ba na ako pinili mo?
Syota: Ba't naman ako magsisisi? E di parang sinabi ko na ring hindi kita mahal.. Duhh
Pol: I love you.
Syota: I love you MORE ♥

Yun naman pala e. Yun ang pinakaimportante sa lahat. Pero, ang tanong.. Ba't ka nga ba payat? Paano ka naging payat? Sa anong aspekto ka nagiging mapayat? Ano nga ba ang batayan ng tunay na kapayatan? Paano ba napagkakaiba ang payat sa malaki ang katawan? May batas ba na nagsasabing "Oh, klaro ang cheekbone mo, ang buto mo sa balikat, ang clavicle mo, ang pelvic bone, ang ribs mo, ibig sabihin nabibilang ka sa uri ng mapapayat"? Unti-unti na nga ba tayong nagiging manyak sa kadahilanang puro katawan ang una nating tinitingnan sa isang tao at hindi ang pagkatao? O sadyang nagiging mapanghusga na nga talaga tayong mga Pinoy? Unti-unti na nga ba tayong nababago ng panahon at naiimpluwensyahan ni Kris Aquino na wala nang ibang inatupag kundi ang mangilatis ng ABS ng kung sinu-sino bagets na matipuhan nya?

Ewan ko lang ha, pero ang alam ko.. mahal ang extra rice ni Manang Diding.