Wednesday, February 17, 2010

Idol


Isang pagsaludo sa lahat ng musikero na
nabubuhay sa mundo. Mga musikerong hindi
inaalintana ang kapansanan upang lumikha ng tunog
at himig na syang naghahatid ng saya at ligaya sa
napakaraming tao na nakakarinig nito.
Harmonica, bilang tagagawa ng tono na nagpapasarap
sa lasa ng himig na ibig iparating sa atin ng
lumilikha nito. Puwet naman ng galon na pinutol na
pinaglalagyan ng mga baryang inihahagis ng mga
taong nasisiyahan sa munting presentasyon ang
kumukumpas sa kanta.
Dahil lamang sa dalawang bagay na ito
nakalilikha tayo ng musika na tatatak sa kokote
at magbibigay sustansya sa karne na
nakatanim sa loob ng bungo ng mga tao.
Sa lahat ng musikero na nabubuhay sa mundo,
hindi hadlang ang kapansanan para hindi mo
abutin ang mga pangarap mo.

Saludo ako sa inyo..
Apir!!

2 comments:

  1. Ewan ko lang kung nasa anong level na ang blood pressure ng taong may nakatanim na karne sa loob ng bungo. Malamang, di lang siya highblood, ikaw ba naman ang may dala-dalang cholesterol sa ulo...jejeje

    Tanong lang:
    Kelan ka pa nahilig sa kape? Eh ni isang beses di kita nakitang tumira kahit kalahating tasa lang...

    ReplyDelete