Wednesday, February 2, 2011

Ang Obra ng Panahon (blg. 1)


Blog.


Eto ba yung 'pag bored ka at wala kang magawa e, pampalipas oras? Eto ba yung magpopost ka lang at makakatanggap ka ng sandamakmak na papuri galing sa kung sino man ang makababasa nito? Eto ba yung dahilan kung saan unang sumikat ang idolo ng lahat (at ako rin, nakiki-idol) na si Bob Ong? Ewan ko lang ha pero kung ako ang tatanungin, mas gusto ko yung naunang tanong.

Matagal tagal na rin mula nung nagpost ako ng seryoso at ma
kabuluhang post (asteeg). Simula sa mga artworks na 'di gaanong kagandahan hanggang sa mga photographs na hindi kapupulutan ng aral. Pero maiba ako, kelan ba ko unang natutong magdrawing? Hindi ko na masyadong maalala kung ano yung pinakauna at makasaysayan kong nagawang obra nung elementary pa ko. Hindi ko alam kung saan nagsimula ang lahat at nakamit ko ang karangalan na makasali sa publikasyon ng unibersidad na to. Kaya nga kinuwa ko na yung susi ng oportunidad, kinabit ang seatbelt ng kamalayan, ginalaw ang cambio ng memorya, nang sa gayon ay makapag-joyride tayo sa panahon kung saan ay nagsisimula pa lang akong matutong magdrawing at hindi pa uso ang Photoshop CS3. Halika, samahan mo ko'ng balikan ang nakaraan. Pero kung batong-bato ka na sa post na 'to pakipindot na lang yung pulang 'x' sa kanang ibabaw nyang monitor mo..

Dali..



Isa..




Dalawa...



Aba, ayaw?




Sige, ginusto mo yan e! Magdusa ka.

Magsimula tayo nung limang taong gulang pa lang a
ko.


Kinder
Eto pa lang kaya kong idrawing. 5years old pa lang ako nOn e nangengelam ka?! Ang panahon kung saan uso pa ang lunchbox, pencilcase at mickeymouse ko na bag. Dito siguro nagsimula ang lahat. Mga simpleng hugis para sa mura kong edad. Lahat naman siguro tayo natutong gumuhit nito. Dito ako nagsimulang humawak ng lapis, nags
imulang ilapat sa papel ang imahinasyon, at nagsimulang tumakbo.. tumakbo ng tumakbo.. patungo sa erpat kong kaaalis lang galing sa paghatid sa'kin sa school (haha, takot akong maiwan e).

Grade 1


Anim na taong gulang pa lang ako. Hindi pa uso (sa edad kong yaon) ang mongol, sign pen, bond paper, at canvas. Asteeg pa n'on e papel na tatlo ang linya, itim na matatabang lapis, at sipon (lol. sipunin pa ko dati e). Madalas kong idrawing ang pinsan ko na classmate ko rin noon. Pero mag-aminan na tayo, usong-uso talaga ang Dragon Ball Z dati. Lalong lalo na ang 'kame hame wave' nya na madalas ay ang dahilan kung bakit tumitilapon na lang bigla ang kaklase ko sa t'wing nag-aaway kame. Dito ako unang nagsimulang magdrawing ng katawan ng tao, pero 'di naman pantay-pantay. Lagi akong nakikipagtalo sa guro namin dahil mas gusto ko pang magdrawing kesa makinig sa turo niya. Madalas makikita mo kong nakatayo sa tabi ng pinto ng nakaiskwat habang nagkaklase sya kase mas marami pang drawing ang papel ko kesa mga notes.

Grade 2Heto na. Heto na ang panahon. Heto na ang panahon ng pagkalito. Heto na ang panahon ng pagkalito sa mga bagay bagay. Mga bagay baga
y na kung saan masusubok ang kredibilidad at pagkalalake ko. Pero 'wag madumi isip. Sa kasamaang palad hindi ako natuluyan. Gustong gustong idrawing ng mga kamay ko, hindi ako, ang powerpuff girls (palusot! hwahaha). Ewan ko. Hindi ko alam kung bakit. Basta kusang gumagalaw ang kamay ko. Siguro dahil ang a-asteeg ng mga rowdyruff boys o sadyang naignorante lang talaga ako sa mga western style na drawings. Haayy salamat nakalusot rin.

Grade 3-4
Nauso ang Pokemon. Mabubuang ka sa dami ng p
agpipilian mong idodrawing. Pokemon. Labanan sa pagitan ng mga trainer gamit ang kanilang mga alaga. Noong taong ding yOn nauso ang 'guhitlaban' kung tawagin sa classroom namin. Isang labanan na kakaunti lang ang nakakaalam. Isang labanan sa pagitan ng dalawang mangguguhit. Isang away. Isang dwelo. Walang gamitan ng dahas. Walang dadanak na dugo. Gamit lamang ay lapis at scratch paper. Simple lang ang mechanics. Pagandahan. Madalas akong natatalo. Madalas rin akong nanalo dahil nililibre ko ng juice yung isang kaklase namin na judge. Pero tinigil ko na yung ganong bisyo. Natuto na ko. Natuto na kooo! Hanggang sa...

Grade 5...nalulong. Nalulong. Naadik. Tumalino. Humusay. Nagkaisip. Gumana ang utak. At higit sa lahat nagtayo ng negosyo. Puhunan ay galing at husay sa pagguhit, ginawa kong negosyo ang pagdodrawing para sa ikabubuhay ko (duhh.. dederetsuhin na kita). Sa t'wing may pinapadrawing sa'min ang teacher namin, nagsisilapitan sila sa'kin para magpadrawing kaya medyo sikat ako nung mga panahong yon (lol). Sa una medyo madalang p
a ang kita pero nung mga kalaunan na e halos umabot na sa Php50 isang araw. Nabreak ko na yata ang record na pinakabatang negosyante.

Grade 6
Nag-improve ang kakayanang magdrawing ng hugis ng katawan ng tao. Salamat sa SlamDunk na napapanood ko sa TV nOn. Napansin ko ring habang tumatagal e nagbabago rin pala ang istilo ko sa pagdodrawing. Natuto akong mag-shading, gumawa ng mga sarili kong cartoon character, at humawak ng pastel. Gumagamit na rin ako ng sign pen at mga lapis na 6B at HB. Natuto rin akong mangolekta ng mga komiks, DVDs ng mga paborito kong anime, at isda.


Lahat ng tao ay may kanya kanyang obra. Lahat ng obra ay may kanya kanyang kagandahan. Habang tumatagal at nagkakaedad ka hinding hindi magbabago ang obra mo.
Habang tumatagal at nagkakaedad ka ay mapapagtanto mo na ang lahat ng bagay na nakikita mo, lahat ng bagay na naamoy mo, naririnig mo, nararamdaman mo, at lahat ng bagay na nakapalibot sayo ay nakakaapekto at nakakaimpluwensya sa obra mo. Nasa sa'yo na yan kung magpapaapekto ka o isasaisang tabi mo lang. Sayang ang talentong ipinagkaloob sa'yo. Sayang ang papel na inalaan para sa'yo. Sayang ang obra na maaaring makapagpabago sa takbo ng mundo.

Hanggang dito na muna. Masyado nang mataas tong post ko.


Itutuloy...

0 comments:

Post a Comment