Ika nga nila, "Nobody wants to hug a skeleton".Marahil alam nyo na kung tungkol saan 'tong post ko.
Ipinanganak akong mataba. Pero sa 'di inaasahang (at kailanma'y 'di ginustong) pangyayari, lumaki akong payat. Lumaki akong sentro ng asaran lalo na kapag tungkol sa katawan ang usapan. Maraming nakakakilala sa'kin hindi lang sa larangan ng pagdo-drawing, kundi pati na rin sa natatangi kong kaanyuan (halimaw?). 'Eto yung listahan ng mga bansag (asar) sa'kin:
1.Payatot
2.Bukog (Cebuano term ng buto)
3.Niwang (Cebuano term ng payat)
4.Wangkig ( " )
5.Incremin (gamot sa kapayatan)
6.Ayos na ang BUTO-BUTO
7.Payatitototi
8.Pidodido
at ang pamatay na paghahalintulad na hindi ko ma-take..
9.Stick
Ayos di ba? Parang sa bawat bansag nila, unti-unti kang binabalatan hanggang sa literal na buto ka na lang talaga. Parang sa bawat salita nila, unti-unti kang nangliliit, inaapakan hanggang sa mayupi ka na para bang coke-in-can na minamartilyo. Pero kahit payatot ako (wag ka...) may syota ako. Yey!
Oo, tama ang nabasa mo. Walang bahid ng biro. May syota ako. Isang araw, wala akong magawa. Naisipan kong syang itext. Tinanong ko sya:
Pol: Mahal mo ba ko?
Syota: Oo, sobra ..ewan ko nga kung bakit e, di naman ikaw dream boy ko. haha (pahabol nya)
Pol: Ano bang gusto mo sa lalake?
Syota: Yung hindi suplado. Tsaka malake katawan. haha
Pol: (Nadisappoint ng slight) E bakit mo ko syinota?
Syota: Di na man yung masyadong malake. Yung malake lang. haha aw
Pol: Haha. Ba't gusto mo ng malaki katawan?
Syota: Ewan. But I don't like muscled men either. G mo? Aw
Pol: Anong kaibahan ng payat sa malaki katawan? Anong meron sa malaki katawan na wala sa payatot na kagaya ko?
Syota: Haha. Hirap iexplain e. Di ko alam. Intindihin mo na lang.
Pol: Mas romantiko ba ang dating kapag malaki katawan?
Syota: I dunno, I think it doesn't depend on their bodies. It depends on the person. Pageant 'to?
Pol: Dapat ko bang baguhin ang sarili ko?
Syota: HINDEE! DUH
Pol: Nagsisisi ka ba na ako pinili mo?
Syota: Ba't naman ako magsisisi? E di parang sinabi ko na ring hindi kita mahal.. Duhh
Pol: I love you.
Syota: I love you MORE ♥
Yun naman pala e. Yun ang pinakaimportante sa lahat. Pero, ang tanong.. Ba't ka nga ba payat? Paano ka naging payat? Sa anong aspekto ka nagiging mapayat? Ano nga ba ang batayan ng tunay na kapayatan? Paano ba napagkakaiba ang payat sa malaki ang katawan? May batas ba na nagsasabing "Oh, klaro ang cheekbone mo, ang buto mo sa balikat, ang clavicle mo, ang pelvic bone, ang ribs mo, ibig sabihin nabibilang ka sa uri ng mapapayat"? Unti-unti na nga ba tayong nagiging manyak sa kadahilanang puro katawan ang una nating tinitingnan sa isang tao at hindi ang pagkatao? O sadyang nagiging mapanghusga na nga talaga tayong mga Pinoy? Unti-unti na nga ba tayong nababago ng panahon at naiimpluwensyahan ni Kris Aquino na wala nang ibang inatupag kundi ang mangilatis ng ABS ng kung sinu-sino bagets na matipuhan nya?
Ewan ko lang ha, pero ang alam ko.. mahal ang extra rice ni Manang Diding.
tama! lahat ng payat, agree! hahaha...may worth ang mga payat :) rakenrol....
ReplyDeleteOA ha...ang daming arte sa katawan...gwapo ka at may maganda kang syota...hayan, masaya kana? alam kong ito lang ang hinihintay mo...tama???
ReplyDelete(PS...napagod ako...ang hirap magtagalog...)
haha. payatot na malaki ang tiyan? anu yun? haha. anyways, God bless in your relationship :)
ReplyDeletehaha..nakakarelate talaga ako dito..pero okey lang yan! ayun nga sa kanta ng tita ko na si lady gaga " I'm beautiful in my way coz God makes no mistakes, I'm on the right track baby, I was born this way"..haha..me ganun?! daan lang...following u now ;)
ReplyDelete