Friday, October 21, 2011

Isa







Pag-ibig?

Pagmamahal?

Wagas na pag-iibigan?

Pagsinta? Pag-iirogan?





'Langya, ang corny ng intro ko. Di bale na. Sa bagay. Ngayon lang ako magpopost ng gan'to sa tanang buhay ko. Tutal inumpisahan ko nang corny, e paninindigan ko na.

Ika-dalawampu't apat ng Oktubre, taong 2010, nagsimula ang lahat. Ang kalbaryo, ay este, relasyon. Oo, inaamin ko na palikero ako. Pero sa araw ding 'yon nagbago ang lahat. Hindi na ko umiinom. Hindi na ko nagbubulakbol. Hindi na ko nakikipagtext sa iba, sya lang. In short, matinong lalake na ako. Marahil litung-lito ka na sa mga pinagsasabi ko. Siguro iniisip mo kong saan hahantong itong mga pacharchar ko. Hehe. Ang gusto ko lang naman sabihin e..









ISANG TAON NA KAMI NG SYOTA KO!! yey! :D







Wooh! Achievement! Di ko naman intensyon na ipangalandakan sa pamumukha mo na wala kang syota. Ang gusto ko lang ipabatid sayo na isang taon na kame. Kase nga isang taon na kame. Alam mu yon? Yuuung, isang taon na kame. Haha. Perstaym ko kase e. First time kong tumagal ng ganito sa isang relasyon. Kayo na! Kayo na nagdidiriwang ng isang taong anibersaryo. Hehe.




O ano? Corny 'no? Wala akong pake! Basta ISANG TAON NA KAME! Kaya para sa minamahal ko..







Maligayang ikaunang anibersaryo. Nawa'y magtagal pa ng sampung epoch, limang period, tatlong era, at dalawang eon ang pagmamahalan naten. I love you! ♥






Haayy nako. Ika nga sa kanta, "Kay saraaap ng may minamahaaal". Ewan ko lang ha, pero ako? 'Di na malamig ang pasko ko.






Ikaw?








Haha.. :))

2 comments:

  1. Naks naman :) Wishing all the best for the both of you :)) and sana consistent ka sa pagiging MATINO mo! haha. Congrats and goodluck tonio :)))

    ReplyDelete